Showbiz

KC bilib sa tapang ni Frankie: Girl, you can be in politics 

05/28/2020

PARA kay KC Concepcion, perfect ang kapatid niyang si Frankie Pangilinan sa mundo ng politika.

Naniniwala ang singer-actress na ngayon pa lang ay nakikita na niya kay Frankie ang mga qualities ng pagiging isang magaling na public servant.

Ito ang inihayag ni KC sa panayam ni Tim Yap para sa kanyang YouTube channel. Aniya, ang pagiging matapang ni Frankie at ang paninindigan nito sa mga national issue ang magsisilbing susi niya sa mundo ng politics.

“She writes novels. She writes songs. She loves the indie scene too. 

“Whichever direction she might go… sometimes I see her and I’m like, ‘Girl, you can be in politics the way you express yourself.’ There are things she’s able to say that I would never be able to say,” papuri ni KC sa kanyang nakababatang kapatid.

May dugong politiko naman talaga si Frankie dahil ang ama niya ay si Sen. Kiko Pangilinan habang ang lolo naman niyang si Pablo Cuneta  na tatay ni Mega ay ilang taong nagsilbing mayor ng Pasay City.

Ayon pa kay KC, natutuwa siya na nagiging independent na rin ngayon si Frankie habang nasa proseso ng pag-discover sa kanyang “true identity.”

“I always say, I am your Ate. I am not a perfect Ate but if ever they come to me, I will always impart whatever it is I can, based on experience,” ani KC.

Samantala, proud din ang singer-actress sa mga kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion, sina Garie and Cloie.

“When I see Garie singing and just doing her YouTube, when I see her performing on stage losing herself, ‘yung hindi siya conscious and she’s fully 100% committed to her song, I love watching her when she’s like that. 

‘She knows her range. She knows her love for music. I love seeing that,” pahayag ni KC.

Aniya patungkol kay Cloie na nakatira ngayonnsa Sweden, “She’s an entrepreneur at heart. She’s happy with her boyfriend and she’s living the life there. She’s very safe and comfortable there.” 

Pangako ni KC, lagi lang siyang nandiyan para sa mga kapatid, “Our age gap is so big so at some point, I just observe. I don’t get involved. But it’s nice to see people come out of their shell.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...