HINDI na-Indian ng kaniyang date si Rachelle Chapman ng Raleigh, North Carolina, United States na nagplano pa ng isang ‘prom date’ matapos makansela ang aktuwal na prom dahil sa banta ng coronavirus disease.
Ang date na ito ay plinano ng kaniyang 7-anyos na inaalagaang bata,” na halos dalawang buwan niyang hindi nakita, na si Curtis.
Sa post ng nanay ni Rachelle sa Facebook, halos isang taong naging alaga ni Rachelle si Curtis. Nang malaman niyang kinansela ang senior prom nito ay agad niyang inaya sa isang socially distant prom si Rachelle.

Photo credits: Becky Chapman/Facebook
At planadong planado ito ng 7-year old na si Curtis at ng kaniyang nanay na si Elissa Rogers dahil kumpleto pa ito sa paburitong pagkain ni Rachelle, bulaklak at may tugtog pa para makasayaw sila.
Nagsilbi naman ang isang pool noodle bilang indicator para mapanatili ang social distancing sa kanilang ‘prom’.