HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang ang kanilang lamesa at upuan.
Ang Bord För En, na literal na ibig sabihin ay Table For One, ay restaurant na may kakaibang gimik.
Isang lamesa na may iisang upuan ang nakalagay sa garden ng owner na si Linda Karlsson, kung saan tanaw mo ang isang pasture. Sa lamesa ay may kandila at bouquet ng wildflowers. Walang waiter o staff silang makikita at solong-solo nila ang lugar.
Dadalhin naman ang pagkain sa pamamagitan ng isang pulley system kung saan isang picnic basket na manggaling sa 2nd floor window ng bahay ni Karlsson 50 metro ang layo.
Tatlong course ang inihahandang meal. Kapag handa na sa susunod na course ay may bell na nakakabit sa pulley system para malaman nila Karlsson kung kailan nila ito ipapadala.
Ang restaurant ay bukas para sa isang solo diner tuwing alas-7 ng gabi.
Sa interview kay Karlsson, nabuo ang ideyang ito noong nais bumisita ng mga magulang ni Karlsson. Dahil sa banta ng coronavirus at para mapanatili ang physical distancing, nag-set up ng table sa labas si Karlsson at ang kaniyang asawa para sa magulang niya. Kumain sila ng sabay at nag-usap sa bintana.
Habang pinagmamasdan ang tahimik na view, naisip nila na gusto nilang i-share ito sa mga taong nais mapag-isa muna at naghahanap ng kapayapaan.
Ayon kay Karlsson, madalas mga lalaki ang nagbu-book sa kanilang solo dine-in restaurant