PAPAYAGAN na ang muling pagbubukas ng mga salon at barbershop simula sa Hunyo 7, ayon sa guidelines na inilabas ng Department of Trade and Industry.
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang proposed guidelines nitong Biyernes.
Sa ilalim ng mga guidelines, hanggang 30 percent capacity lamang ng mga barbershop at salon ang maaaring mag-operate.
Ilan sa mga protocols na inilatag ay:
- Mandatory wearing of face masks.
- Social distancing protocols sa loob ng establisimyento.
- 10-minute interval bawat customer para sa sanitation
- Availability (if applicable) of alternative payment method.
- No physical contact upon payment. Kinakailangan ang paghahanda ng tray para sa cash payment.
- Availabilty of scheduling appointments via text or online.
- Requiring of floor mat or foot bath with disinfectant, alkohol para sa mga customers, health checklist para sa customer at face shield para sa customers na kukuha ng shampoo services.
- Sistema kung saan pwedeng madisinfect ang mga kagamitan ng customers katulad ng jacket, bag at gadget.
- Thermal scanner na gagamitin sa mga customer.
Kinakailangan din ang mga sumusunod para sa mga empleyado at sa mismong mga salon o barbershop:
- Distansya ng hindi bababa sa isang metro sa bawat upuan.
- Visible floor markings para sa customers.
- Tamang ventilation.
- Ang mga personal na kagamitan ay dapat may lalagyan na malayo sa customer.
- Face mask na handang ibenta para sa mga customers.
- Sanitizing equipment at iba pang kagamitan na kita ng customers.
- Sterilization ng work station bago at kada matapos ang isang customer.
- Tatakpan ng plastic ang mga furniture na gawa sa porous materials para sa madaliang santitation.
- Pagbabawal sa pagtratrabaho ng mga empleyadong may COVID-19 symptoms o may exposure sa pasyenteng may COVID-19.
- Pagbabawal ng pagsusuot ng jewelry.
- Pagkakaroon ng proper hygiene.
- Mandatory na pagsusuot ng personal protective equipment including but not limited to: face mask, face shield, eye glasses, gloves, and hair caps.
- Mandatory na pagsusuot ng closed shoes
- Proper disposal of single use items (tissue, cotton balls, etc.)
- Mandatory declaration of health and whereabouts in case of contact tracing
Kinakailangan munang makacomply ng isang barbershop o salon para sila ay makapag-operate muli.