INAASAHANG matatapos ang itinatayong COVID-19 testing facility sa Maynila sa darating na June 15.
Ayon sa isang statement mula kay Manila City Mayor Isko Moreno, tinatapos na ang pagtatayo ng testing center na may kapasidad na mag-proseso ng 1,000 swab samples kada araw.
Ilang polymerase chain reaction machines ang handa ng gamitin para sa testing center na itinatayo sa Sta. Ana Hospital.
May rekord ng 1,357 case ng coronavirus disease ang naitala sa Maynila nitong Huwebes.
Ayon pa sa datos nasa 101 na ang namatay rito sa virus habang 397 naman ang gumaling.