NAGLABAS ang Makati City ng mahigit P1 billion financial assistance para sa mga residente nito sa ilalim ng economic relief program, ayon kay Mayor Abby Binay Linggo.
Sinabi ni Binay na kabuuang P1,035,810,000 na ang electronically transferred sa 207,162 kwalipikadong residente ng lungsod.
Ayon sa alkalde, P5,000 ang matatanggap ng bawat indibidwal alinsunod sa P2.7-billion Makatizen Economic Relief Program (MERP),
Ang qualified na makakukuha ng cash aid ay ang mga 18 anyos at residente ng Makati pati na rin ang mga residenteng na-relocate sa San Jose del Monte City, Bulacan at Calauan, Laguna. Ang mga relocation sites na ito ay pinamamahalaan ng Makati.
Dapat din na rehistrado ang residente bilang Makatizen Cardholder, Yellow Cardholder (Makati Health Program) o botante ng lungsod.
Sinabi ni Binay na ipinuhunan sa negosyo o kaya’y ipinambayad na sa bills ng mga residente ang kanilang ayuda.