
Photo: Masungi Georeserve/ Facebook
TUNAY ngang nature is healing sa gitna ng coronavirus pandemic.
Lumiwanag at kumutitap- hindi dahil sa artificial lights- ang Masungi Georeserve matapos maglitawan ang mga alitaptap nitong Biyernes, May 29.
Matatagpuan ang nasabing conservation area sa Southern Sierra Madre range sa Baras, Rizal, 47 kilometro ang layo mula sa Metro Manila.
“Magical” kung ilarawan ang iniwang firefly trail ng mga insekto kung saan nakamamangha ang mga tila puting tuldok sa himpapawid sa gitna ng kadiliman at katahimikan.
Ayon sa Facebook post ng Masungi Georeserve, mahalagang “bioindicator or a species that can help gauge how healthy an ecosystem is” ang mga alitaptap.
Ibig sabihin, malusog at malayo sa kapahamakan ang ecosystem na ginagalawan ng mga nilalang na ito kaya’t malaya silang nakalilipad nang walang nakaambang peligro.
“Bioindicator species are sensitive to pollution or other habitat changes, making them good signs of a thriving ecosystem.”
“We are thankful to see these tonight as it reaffirms our work in protecting the Masungi landscape and restoring its amazing biodiversity.”
Magmula ipatupad ang lockdown sa Luzon ay walang turistang nakapamasyal sa ecological tourist destination na may ipinagmamalaking naggagandahang rock formations.