SA pamamagitan ng mga ulap, mistulang ipinababatid ng kalangitan sa mga tao na patibayin ang kalooban at huwag mawalan ng pag-asa habang patuloy na nakikibaka sa mga negatibong epekto ng coronavirus pandemic.
Kakaiba ang cloud formation na nakunan ni Analiza Sampinit Lumosad gamit ang kanyang cellphone, mga ulap na para bang mga letrang L-O-V-E. Ang letters l,o at v ay malinaw na mababasa habang ang letter e ay medyo nakatagilid subalit mababasa pa rin na ‘love’ ito.
Umaga nitong Sabado, May 30, nang kunan niya nang larawan ang marikit na dalampasigan ng Bon-Ot, Carrascal, Surigao Del Sur.
May mga nagsasabing edited ang litrato, subalit pagdidiin ni Lumosad ay original ang picture perfect clouds.
“100% natural, walay edit,” aniya sa Facebook post na nagpa-wow sa netizens.
Sa panahon ng pandemya at walang katiyakan, malinaw ang mensahe ng mga ulap sa sangkatauhan- ang magmahalan.