outbrain
Good Vibes

Lumang laptop mo kapalit online education ng less-privileged students

By: - 06/01/2020

Mayroon ka bang lumang laptop na hindi na ginagamit? Kung meron, alam mo bang maraming mahihirap na estudyante ang maitatawaid ang pag-aaral online kahit may pandemya?

Sa isang iglap ay nag-iba ang takbo ng mundo dahil sa coronavirus crisis at apektado nito kung paano maipagpapatuloy ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan (elementary at high school) ang kanilang edukasyon.

Base sa utos ng Department of Education (DepEd), kanselado ang traditional face-to-face classroom setup para mapigilan ang pagkalat ng virus. Ang solusyon ng ahensya bilang pagsabay sa “new normal”, online classes.

Ayon sa DepEd, magiging katuwang ng mga guro ang mga magulang sa pagbibigay ng online modules para magabayan sila sa kanilang pag-aaral habang nasa kani-kanilang tahanan.

Sa August 24 na ang pasukan subalit maraming magulang at mag-aaral sa public school ang nangangamba kung kakayanin ba nila ang alternative mode of learning na ito dahil wala naman silang gadget tulad ng laptop na tulay para makasabay sa online class.

Anila, hirap na nga sa pambili ng makakakain dahil nawalan ng trabaho, pambili pa kaya ng electronic device.

Ang problemang ito ang nagtulak kay Icon de Jesus para gamitin ang social media para sa makabuluhang misyon: Ang makahanap ng donors ng lumang laptop para sa mga mag-aaral na hindi afford bumili ng bago.

Aayusin ang mga second hand laptops para magamit ng mga beneficiaries nang kumportable. Dapat ay nabubuksan pa ang mga ito at may kasamang charger o adaptor.

“Hello, baka may lumang laptop kayo na gumagana pa pero sobrang bagal na, ayaw nyo na gamitin. We’re accepting donations of old laptops, we’ll refurbish them and give them for free to students who will need laptops to continue their education this year but do not have the means to acquire one,” panawagan ni de Jesus sa kanyang Facebook post.

“This pandemic has forced us to adapt to new norms and practices but not all of us have the capability to do so. Our extras might be treasures for others, let’s help if we can,” dagdag ni de Jesus.

Sa mga magdo-donate, maaaring kontaking ang mga numerong ito: 0922-444-0889 (Andy) at 0917-515-4712 (Icon).

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...