outbrain
Balita

DOTr: Kaligtasan, kalusugan mas mahalaga kesa ginhawa, magaan na pagbiyahe

By: - 05/31/2020

HINDI  umano isyu ng transportasyon kundi usapin ng kalusugan ang ginawang pagbabago sa sektor ng pampublikong sasakyan.

Ito ang tugon ng Department of Transportation matapos ihayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ginagamit ng ahensya ang coronavirus pandemic upang ma-phase out ang pampasaherong jeepney.

Sinabi ng DoTr na iginagalang nito ang pananaw ni Zarate pero “sa panahon ng pandemya, mas mahalaga ang kaligtasan at kalusugan kaysa ginhawa at magaan na pagbiyahe.”

Gaya umano nang sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade, bagamat ang mandato ng DOTr ay siguruhin ang maayos na pagbiyahe ng publiko, “responsibilidad din namin sa sambayanan na tumulong sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19.”

Pinag-iisipan umano ang dahan-dahang panunumbalik ng mga biyahe upang “hindi (ito maging) instrumento ng kamatayan.”

Sinusunod umano ang hierarchy sa pagbabalik ng mga pampublikong sasakyan at ang uunahing ibalik ay ang may malaking kapasidad kung saan mas masusunod ang social distancing, cashless payment at may platform na magagamit sa contact tracing.

Inaprubahan ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), ang pagbiyahe ng tren, bus augmentation, taxi at TNVS (transport network vehicle sevrice), shuttle service, point-to-point (P2P) bus, at ibang personal mobility device, at non-motorized transport gaya ng bisikleta simula sa Hunyo 1-21.

Sa Hunyo 22 naman ay daragdag ang pampasaherong bus, modern public utility vehicles at UV Express.

“Sa mga lugar na limitado ang modernong units, papayagang bumiyahe ang mga tradisyonal na jeepney.”

Naiintindihan umano ng DoTr ang kalagayan ng mga driver ng jeepney kaya nakikipag-ugnayan ito sa Land Transportation and Regulatory Franchising Board (LTRFB), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Landbank of the Philippines (LBP) para mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga ito.

Naghain umano ng DoTr ng panukala sa Kongreso at Department of Budget and Management (DBM) upang matulungan ang mga driver.

Kabilang sa mga panukalang ito ang 30 porsyentong fuel subsidy para matulungan ang mga driver at operator kapag sila ay bibiyahe na.

Bahagi naman ng economic stimulus package sa Kongreso ang pagpapautang na ipagpapaliban muna ang pagbabayad ng interes at dagdag na interes sa utang na hindi nababayaran.

Pinalawig na rin ng DoTr ang aplikasyon ng renewal ng PUV franchises, licenses, at PUV registration nang 60 araw na walang mula mula sa pagtanggal ng ECQ/MECQ.

“Ang DOTr, sa ilalim ng matibay na pamumuno ni Kalihim Tugade, ay patuloy na isusulong ang transpormasyon sa pampublikong transportasyon na moderno, napapanahon, mas maayos ang pamumuno, at mas makakalikasan. Higit sa lahat, itinataguyod nito ang interes ng lahat ng mga nasa sektor lalo na ang mga komyuter at pasahero.”

Ikinatuwa naman ng DoTr ang pagtulong ni Zarate sa mga driver na nais din ng ahensya na mapabuti ang kalagayan.

“Bukas po kami sa pagsama ni Cong. Zarate sa aming mga adhikaing mapabuti ang sektor ng transportasyon sa buong bansa, at maliwanagan siya na sa amin sa DOTr ang “Tunay na Serbisyo.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...