NAG-SORRY si Prince Joachim matapos umattend ng isang pinagbabawal na party sa Spain.
Nasa Spain noon ang prinsipe, pamangkin ng hari ng Belgium na si King Philippine, para sa isang internship.
Ayon sa report ng BBC, sinuway ng party ang lockdown rules ng Spain kung saan pinagbabawal ang mass gathering na hihigit sa 15 katao.
May estima namang 27 katao ang umattend sa party na ito.
Matapos ang party, napag-alaman din na nagpositibo ang prinsipe sa coronavirus at may mild COVID-19 symptoms. Naka-quarantine na ngayon ang lahat ng umattend ng party.
Ang mga nahuli ay inaasahang bibigyan ng karampatang fine na aabot sa €10,000 o P559,001.
Isa ang Spain sa pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo na may 239,479 infections at 27,127 deaths ayon sa data ng John Hopkins University.