
Stock photo/Unsplash.com
DALAMHATI ang naramdaman ni Emma Tullet mula sa Isle of Sheppey, England nang malaglag sa bangin ang kaniyang dream house na umaabot sa £195,000 o halos P12 million.
Kalahati ng kaniyang 2-bedroom bungalow na may swimming pool ang nahulog matapos bigla na lang bumigay ang lupa na kinatatayuan nito.
Ang natira na lamang ay living room, isang bedroom, kitchen at hallway.
Kasama rin ang kaniyang sasakyan na isang kulay orange na Seat Ibiza na nahulog sa bangin.
Ayon sa interview niya sa MailOnline, nanonood siya ng TV nang bigla na lang maganap ang aksidente.
Nagkataon namang malayo ang kaniyang limang anak nang mangyari ito kaya walang nasaktan sa kanila.
Binili niya ang bahay, na tinawag niya bilang kaniyang dream home, in cash noong August 2018 at sinabihan sila na aabot ng 40 taon ang pagtira nila rito.