Balita

BJMP tumanggap ng 40 computer units para sa ‘e-Dalaw’ ng mga preso

By: - 06/01/2020

TUMANGGAP ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng 40 computer units donation mula kay Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles  na magagamit para sa electronic visitations sa malalayo at highly-congested na mga kulungan  sa bansa.

Ayon kay BJMP Chief Jail Director Allan Iral, gagamitin ang mga computers para sa Electronic Dalaw o “e-Dalaw” program ng bureau. Sa pamamagitan nito, makakausap ng mga persons deprived of liberty (PDLs) ang kanilang mga kamag-anak at abogado online sa gitna ng quarantine measures.

“We wish to thank Rep. Nograles for his donation. This will go a long way in ensuring that our inmates can still avail of their rights despite the enforced quarantine,” ayon kay Iral.

Papayagan ang mga PDLs na gumamit ng Skype o Facebook sa loob ng 10 o 15 minuto araw-araw.

Sinabi ni Nograles na matutulungan ng programa ang mga PDLs na magkaroon ng  “access to justice” kahit may quarantine.

“This program is one of the ways to go forward in terms of ensuring PDLs’ access to justice as we grapple with the many uncertainties brought about by the pandemic,” aniya.

Si Nograles ang founder ng Lakbay Hustisya Foundation, isang legal aid trust fund na binuo para suportahan ang  legal aid activities. Sinabi ni Iral na nakipag-partner ang Foundation sa BJMP sa pagbibigay ng online legal services sa mga PDLs.

Dagdag ng BJMP chief, isang mahalagang paraan ang inisyatibo ng  e-Dalaw at Lakbay Hustisya sa mga PDLs para mapaluwag ang mga kulungan.

Nagpatupad na ang Supreme Court (SC) ng mga panukala para maibsan ang siksikan sa kulungan gaya ng pagpapababa ng piyansa at “recognizance” para sa indigent prisoners  habang ang pinagaan naman ng Department of Justice (DOJ) ang mga panuntunan tungkol sa parole at executive clemency.

Samantala,  ipinangako ni Nograles na makikipagungnayan sa ibang legal aid groups para matulungan ang malaking bilang ng mahihirap na inmates.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...