PINAPAYUHAN ang mga commuters na iwasan ang makipag-usap o magsalita hangga’t maaari habang nasa mga pampublikong sasakyan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.
Sa isang pag-aaral ng National Institute of Health sa US noong Mayo, tumatagal ang nag-iiwang droplets na posibleng may dala ng COVID-19 sa loob ng walo hanggang 14 minuto.
“There is a substantial probability that normal speaking causes airborne virus transmission in confined environments.” ayon sa research.
Dagdag pa rito, malaki rin ang risk ng mga ‘loud talkers’ dahil mas marami silang nakakalat na droplets.
Sinabi sa research na ang mga kwarto na may poor ventilation at mga public transport ang mga at risk dito.
Sa Indonesia, ang kauna-unahang MRT service nito ay nag-abiso sa mga pasahero na huwag makipag-usap tuwing sasakay ng tren.