outbrain
Balita

Dine in papayagan na sa MGCQ–Roque

By: - 06/02/2020

INIHAYAG ni Presidential Spokesperson Harry Roque na papayagan na ang dine in sa mga restaurant at fastfood na sakop ng modified general community quarantine (MGCQ).

“Pinayagan na po ang dine-in operations pero hindi po nangangahulugang piyesta at inuman na. At sa ngayon po ang dine-in ay para lamang sa MGCQ. Kailangan pa rin sumunod ng minimum public health standards protocol. Pwede pa ring ipasara ang outlet kapag hindi sumusunod sa itinakda ng DTI (Department of Ttade and Industry) at DOT (Department of Tourism) na siyang maglalagay ng post audit mechanism,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Roque na nakatakdang maglabas ang DTI ngayong araw ng memorandum circular kaugnay ng minimum health protocols para sa dine-in sa restaurant at fast food.

 “Para sa non-single use menu, sa pagpasok, dapat siya ay i-escort sa assigned table na may corresponding number. Pipili ng order sa menu na nakalagay sa mesa o sasabihin sa order taker na may isang metro na social distancing. Ang customer at server ay kailangang mag-sanitize ng kamay pagkatapos mag-order at magbayad,” paliwanag ni Roque.

 Iginiit naman ni Roque na bawal pa rin ang buffet sa mga restaurant.

“Sa pag-setup ng service station, walang buffet at self-service areas para sa food bars, condiments at utensils. Mag-designate lang ng lugar sa take-away or pickup. Ihiwalay na lababo para sa handwashing ng kitchen staff at ng dine-in customers. Contactless na drive-thru counters, pagsara ng play areas,” ayon pa kay Roque.

Ani Roque, papayagan ang 50 porsiyentong operasyon ng dine in ng restaurant at fastfood sa mga MGCQ.

“Pero sa lugar na nasa ilalim ng GCQ, pakihintay po ang announcement para sa mga date ng reopening. So, nag-hihintay pa po tayo kung kailan pwedeng magkaroon ng dine-in sa GCQ areas,” sabi pa ni Roque.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...