Good Vibes

Imbes na magalit, scuba diver hinatid pa sa Cartimar lalaking biglang sumampa sa kanyang sasakyan

By: - 06/04/2020

Photo: Oliver Ang/ Facebook

PAGSUBOK sa nakakarami ang makahanap ng masasakyan dahil limitado pa rin ang mga public transportation na bumibiyahe sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) partikular na sa Metro Manila.

Kanya-kanyang diskarte na lang. Ang iba naghihintay ng libreng sakay habang ang iba, lakas loob na sumesenyas ng “thumbs up” para maki-hitchhike o makisakay sa mga private cars na dumadaan.

Tila ba ganito ang nangyari sa scuba diver na si Oliver Ang nitong Linggo, May 31, habang binabagtas niya ang Taft Avenue sa Maynila.

Kwento ni Ang sa kanyang viral Facebook post na may 10, 000 reactions at 3,600 shares, isang lalaki umano ang para bang nagpapatigil sa kanya ngunit hindi niya ito maintindihan.

“[I was ] [d]riving along Taft and a guy was trying to flag me down for something I didn’t quite understand. Was at an intersection so [I] slowed down but didn’t fully stop, ignoring this guy,” aniya.

Laking gulat na lamang niya nang makitang biglang umakyat sa likod na bahagi ng minamanehong pickup truck ang lalaki. Dito niya napagtanto na nais palang makisabay ng lalaki dahil wala itong masakyan.

Imbes na mabwisit sa ginawa ng lalaki, tinanong niya ito kung saan patungo. Nang malaman na sa Pasay pala pupunta ang estranghero, hindi nagdalawang isip si Ang na ihatid ito kahit pa medyo malayo ito sa kanyang paroroonan.

“So instead of my initial reaction of losing my shit as to why a stranger would get onto my vehicle, I rolled down my window and asked him where he was headed,” sabi ni Ang. “His destination (Cartimar) was a very slight detour from my original route so I went ahead and dropped him off.

Para sa good samaritan, ang kanyang small act of kindness ay malaking bagay na para ipakita ang malasakit sa mga taong mas nahihirapan ngayong patuloy na sinusubok ang Pilipinas ng COVID-19 pandemic.

“As we enter GCQ and shit’s about to hit the fan, let’s try to be kinder to each other and take better care of each other,” sabi ni Ang.

Dagdag niya, sama-sama dapat nagtutulungan para malagpasan ang krisis na ito.

“We are, now more than ever, really in this together.”

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...