
Photo: Mico Tan/Facebook ibibigay ng ina para sa kapakanan ng kanyang
TOTOONG ibibigay ng ina ang lahat dahil wala nga raw magulang ang kayang tiisin ang kanyang anak.
Ito ang pag-ibig na ipinamalas ng market vendor na si Emma Monta sa kanyang anak na lalaki matapos itong bilhan ng bagong cellphone para magamit sa online class.
Nakatira sa Old Compund ng National Bilibid Prision (NBP) Reservation sa Muntinlupa City ang matanda at ang perang ipinambli niya ng gadget ay galing mula sa kinita sa pagtitinda sa palengke.
Naantig ang puso ng netizems sa inspiring story at trending story ni nanay matapos ipost ng media communications student na si Mico Tan ang nasaksihang tunay na “mother’s love” habang siya’y nasa isang mall sa lungsod.
“Kanina nasa [SM Muntinlupa] ako nag-aabang ng order. Tapos nakita ko sila, binilihan ni nanay yung anak niya ng cellphone,” sabi ni Tan sa kanyang Facebook post na umabot na sa 156,000 reactions at 105,000 shares.
Natural ang naging reaksyon ng bata nang matanggap ang regalo mula sa kanyang ina na matatanaw rin sa kanyang mukha ang saya para sa anak.
“Tuwang tuwa yung bata e. Napaka simple lang,” dagdag ni Tan.
Magagamit ng anak ni Monta ang brand new gadget para sa virtual class at online learning modules na ipatutupad ng Department of Education (DepEd) habang suspendido pa ang pisikal na pagpasok sa eskwela.
Dahil matanda na at mas mabilis kapitan ng sakit lalo na ngayong wala pang lunas ang COVID-19, personal na hinanap ni Tan si Monta para mag-alok ng tulong sa pamamagitan ng donation fund.
Sa mga nais magbigay ng donasyon, maaaring ipadala ito sa mga sumusunod:
GCash- Jhon Mico Tan (0939-566-0074)
Paymaya- John Louie Palillo (0919-991-2792)
BPI- John Louie Palillo (0019-5053-16)