outbrain
Good Vibes

Na-lockdown sa Baguio, dating friends, lovers na ngayon

By: - 06/02/2020

Photo: Jex Vilar/ Facebook

 

HALOS 12 taon inilihim ni Jex Villar ang pagtingin para sa kaibigang si Zaldy Faller hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan na babago ng kanilang kwento.

Kahit sa hinagap ay hindi sukat akalain ni Jex na ang coronavirus pandemic at enhanced community lockdown pa pala ang magiging turning point para ang long time boy friend na si Zaldy ay maging kanyang boyfriend.

Ayon sa report ng evening newscast na Saksi ng GMA 7, inabutan ng Luzon-wide lockdown ang dalawa nang mamasyal sa Baguio City kamakailan.

Dahil sila lang ang magkasama at nag-uusap sa tinutuluyan, mas nakilala pa nila ang isa’t isa at dito na nga nagkaaminan ng tunay na nararamdaman na kinimkim sa mahabang panahon.

Sabi ni Jex, since 2008 ay crush na niya ang kaibigan. Isang araw ay nagtanong si Zaldy, “ano tayo na ba?”

Matapos noon ay nauwi na ang kanilang pagkakaibigan sa pagkaka-ibigan.

Photo: Jex Vilar/ Facebook

Sa ngayon ay nakabalik na sa Maynila ang magkasintahan, base sa report.

Plano ng dalawa na mag-date as official couple ngunit dahil bawal pa ang hhww (holding hands while walking) at sarado pa ang mga pasyalan gayundin ang dine-in sa restaurants bilang pagsunod sa social distancing, maghihintay muna ulit sina Jex at Zaldy ng right timing para ipagdiwang ang kanilang namuong pag-iibigan.

“Plano naming mag-date na hindi na makapag-facemask,” sabi ni Jex.

Patunay ang love story ng friends turned lovers na ito na hindi mapaghihiwalay kahit ng physical distancing ang mga pusong nakatakdang magkalapit.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...