NAG-ANUNSYO ang lokal na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal na magbibigay sila ng libreng sakay para sa mga commuters na balik trabaho na sa ilalim ng general community quarantine.
“Dahil limitado po ang pampublikong transportasyon sa ilalim pa rin ng GCQ at marami na ang nagbabalik trabaho, prayoridad po natin na matulungan at mapagaan ang kanilang biyahe pagpasok lalo na ang ating mga essential frontliners, health workers.” ani Rodriguez Mayor Dennis Hernandez
Lunes hanggang Sabado mula 5:30AM hanggang 8PM naman ang schedule ng libreng sakay.
Ang mga ruta naman ay ang sumusunodL
Route 1 – San Isidro to Litex
Litex – Jollibee (Super 8), QC
VAN – 5:30 a.m. start
- ER Phase 2
- GB
- East Meridian
- Ultramega
- Harangan
- Manila hills
- Kasiglahan
- Tagumpay
- Christine Ville
- Crossing to Payatas – Litex – Jollibee (Super 8)
back to Montalban
Route 2 – San Rafael to Litex Jollibee (Super 8) QC
BUS – 5:30 a.m. start
- Cortijos
- Luvers Puregold Jr.
- Total
- Jeafer
- Zuñiga tapat Col. S. Cruz
- Andoks
- Puregold SJ
- Simbahan (SJ luma)
- Crossing to Payatas
- Litex – Jollibee (Super 8)
- back to Montalban
Route 3 – Burgos to Litez market
Litex – Jollibee (Super 8), QC
Van at 5:30AM
- Boundary Burgos
- Montaña
- Talisay Ohayo
- Iglesia
- Rural Bank
- Andoks
- Puregold SJ
- Simbahan
- Crossing to Payatas – Litex Market
- Back to Montalban
Route 4 : Montalban – Marikina
- Cortijos
- Luvers
- Total
- Rural Bank – Manggahan
- Iglesia ni Cristo
- Talisay
- Montaña
- Boundary (Burgos-Maly)
- San Mateo Plaza
- Marikina BAYAN (Drop off at Marikina Sports Center)
- Back to Montalban
Paalala ni Hernandez, kailangan pa rin sundin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, pagdadala ng disinfectant at pag-matiyag sa social distancing.
Kinakailangan din nakahanda ang mga papeles katulad ng ID o travel pass para sa mga daraananang checkpoints.