outbrain
Good Vibes

OFW nurse ipininta si Hesukristo at frontliners sa ‘Huling Hapunan’

By: - 06/02/2020

Photo: Kim de Guzman/ Facebook


GINAMIT ng overseas Filipino worker (OFW) na si Kim de Guzman ang kanyang talento sa sining para pasalamatan ang mga kapwa frontline workers na nagsasakripisyo at itinataya ang sariling buhay para talunin ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inspirasyon ang 15th century mural painting na “The Last Supper” ni Leonardo Da Vinci, naglaan ng oras ang Abu Dhabi-based nurse para ipinta ang sikat na obra ayon sa kanyang sariling bersyon.

Sa halip na mga alagad, ang 12 frontliners na nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor ang iginuhit ni de Guzman kasama si Hesukristo gamit ang acrylic paint.  Ito ay bilang pagpupugay para sa mga medical staff (doctors, nurses at ibang health workers), sundalo, ambulance driver, cashier, media, cleaners, pulis, delivery rider, service crew, cook, flight attendant at gasoline boy.

At imbes na pagkain ang kanilang pinagsasaluhan, mistulang nagpupulong ang mga frontliners kasama si Hesus kung saan makikitang hawak niya ang poster na may naka-drawing na bata at nagsasabing “thank you.”

Nitong May 20 nang matapos ni de Guzman ang painting na kanyang sinimulang gawin nitong April. Pagkatapos hawakan ang medical equipment at asikasuhin ang mga pasyente sa kanyang 9 a.m-5 p.m duty, paint brush at canvas naman ang kanyang hinaharap.

Kalakip ng painting ay ang linyang ito mula sa tula na kanya ring isinulat: “Di man madali ating kinakaharap, tandaan na ang Diyos may paglingap,” isang matibay na paalala na huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng pandemya.

Hangga’t may frontliner na katulad ni de Guzman na gagawin ang lahat para sa kaligtasan, walang laban ang hindi malalagpasan.

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...