SINIMULAN na ng Department of Science and Technology ang formulation ng virgin coconut oil na gagamitin bilang gamot sa coronavirus disease 2019.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña ginagawa ito sa dalawang lokasyon.
“We’ve been trying VCO in two locations. We have already started the formulations that will be tested initially in vitro,” ani de la Peña.
Inaprubahan na umano ng Ethics Board ng University of the Philippines-Manila ang paggamit nito sa moderate at severe COVID-19 cases sa Philippine General Hospital.
Ang gamot ay gagamitin sa loob ng 14 na araw sa 100 pasyente.
Sa Sta. Rosa Community Hospital ay gagamitin umano ito sa mga mild COVID-19 cases.
Nagtayo rin umano ng pasilidad ang Medical City para sa mga nais na lumahok sa pag-aaral.