IBINASURA ni Pangulong Duterte ang panawagan ng mga kongresista sa Cebu na bigyan ng exemption ang probinsya at payagan ang backriding sa harap ng pagnanais ni Gov. Gwen Garcia na ipatupad ang angkas sa lalawigan.
“But alam mo much as I would like really to accommodate Governor Garcia and the Board Members, here’s what I can say, if I begin to give an exemption to one, which — because I will open myself to charges of an — Anti-Graft Law giving another an undue advantage. There is a provision there which is — I think it’s the third sentence, ‘giving undue advantage to the other to the prejudice of another”. Giving advantage to a person to the prejudice of another in a matter of ganito,'” sabi ni Duterte.
Nauna nang sinabi ni Garcia na itutuloy niya ang plano na payagan ang magkaangkas sa lalawigan sa kabila ng naunang kautusan ng pambansang pamahalaan kontra backriding.
“So ‘pag binigyan ko kayo ng exemption and the others will follow, hindi nga siguro mag-demanda but others, not from government, na want to just test the capacity of a president of breaking the law,” ayon pa kay Duterte.
Nauna nang inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi papayagan ang magkaangkas kahit pa mag-asawa ang nakasakay dahil sa magiging paglabag sa health protocols sa harap ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.