INILUNSAD ng Grab Philippines ang GrabPay Card, isang digital-first prepaid card bilang opsyon ng mga Pinoy sa cashless payment.
Target ng Grab na gawing mas ligtas ang contactless payment kaya kasama nito ang Mastecard sa programa.
“As cities slowly get back on their feet after months of lockdown brought about by the COVID-19 pandemic, digital payments become the critical enabler to embrace this new reality. The launch of the digital GrabPay Card powered by Mastercard supports our mission of providing safer transactions and bringing more cashless opportunities to Filipinos not only for local transactions but also everywhere in the world,” ani Jonny Bates, head ng GrabPay Philippines.
Sa pamamagitan ng GrabPay digital card mas marami na ang online transaction na magagawa ng isang user. Magagamit ito sa may 53 milyong merchant na gumagamit ng Mastercard sa buong mundo.
Ang detalye ng GrabPay card ay nakatago sa Grab app. Mayroon itong in-app card lock function na mabubuksan sa pamamagitan lamang ng Face ID at fingerprint biometric security, at PIN protection.
Makakaipon din ng points sa paggamit nito sa pagbabayad.
Maaari rin itong gamitin sa pagbabayad ng postpaid phone bills at sa paggawa nito ay makatatanggap ng insurance protection aksidenteng pagkasira o pagnakaw sa telepono.
Mayroon din itong E-commerce protection para maproteksyunan ang may-ari ng card laban sa mali o depektibong item na nai-deliver o maling item na naipadala.