NAUUSO ngayon ang online barter kung saan nagpapalitan ng mga bagay o produkto depende sa mapagkakasunduan ng dalawang panig,
Para makatulong sa mga taong nangangailangan dahil sa coronavirus pandemic, ipinagpalit ni Mark Lorenze Bas ng Talisay City, Cebu ang kanyang sasakyan para sa relief goods.
Ginamit ni Bas ang Facebook group na Cebu Barter Community para maisagawa ang pagtulong sa kapwa. Kanyang ipinagpalit ang pagmamay-aring 1993 Mitsubishi Lancer para sa mga de lata, noodles at sako-sakong bigas at ipinamahagi ito sa probinsya.
“For the orphanages, the poorest of the poor, and those who are in need. Don’t hesitate to message me if you want to receive relief goods. I will deliver them to your doorstep. Half I will donate and half I will put into a business so that more will benefit,” sabi ni Bas sa wikang Cebuano sa kanyang Facebook post.
Base sa report ng Cebu Daily News, itinayo rin niya ang “MLB Foundation”, isang non-government organization na nagpapakain sa mga batang lansangan, mga bata sa ampunan, matatanda sa home for the aged at sinusuportahan ang mga batang may sakit tulad ng polio, mengitis at cancer.
“We were really poor to the point that we would ask for leftover rice and pork lard from our neighbors so we could eat. But most of the times, we ate bananas for breakfast and lunch,” aniya.
Sa mga nais mag-donate para makatulong sa mahihirap, mag-send lang ng private message sa Facebook page ni Bas.