UMAPELA si Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo sa Metropolitan Manila Development Authority na ituloy ang paglalagay ng bicycle lane sa EDSA.
Iniakyat din ni Castelo ang apela sa Inter-Agency Task Force (IATF) against Covid-19 upang matulungan umano ang mga empleyado na walang masakyan at nais na magbisikleta na lamang.
“It is reasonable and justifiable for the IATF to order the designation of a lane for bicycle and motorcycle users along EDSA because there is still limited public transportation due to the general community quarantine (GCQ) in Metro Manila,” ani Castelo.
Ang bike lane sa EDSA ay maaari umanong ipatupad hanggang sa matapos ang quarantine sa Metro Manila.
Naniniwala si Castelo na mas hindi ligtas ang mga nagbibisikleta sa mga side at interior streets.
Wala umanong sasakyan ang lahat at bisikleta o motorbike lamang ang kanilang kayang bilhin.
Muli ring inulit ni Castelo ang kanyang apela na payagan na ng IATF ang magka-angkas na mag-asawa sa motorsiklo.
“From the point of view of avoiding the virus, it is definitely safer for a spouse to ride with her partner than taking the bus or tricycle to work or to the grocery to buy household essentials,” dagdag pa ni Castelo.
Maaari umanong kumuha ng sertipikasyon para patunayan na ang magka-angkas ay mag-asawa.
Kahit na may mga binuksan na umanong bagong ruta ng bus ay nananatili ang kakapusan sa masasakyan ng mga pumapasok at umuuwi sa trabaho.
“Thus, we see many employees crowding loading areas for bus passengers and train stations. Allowing back-riding spouses will certain ease this congestion,” aniya.