
Photo: Fidel Guzman Ala
HIMALA sa gitna ng pandemya ang naganap 38,000 feet mula sa lupa.
Matagumpay na naisilang sa ere nitong Linggo, June 7, ang sanggol na lalaki habang sakay ng Philippine Airlines Flight PR659 na lumilipad mula Dubai patungong Maynila.
Ang mga crew ng eroplano na sina Capt. Fidel Guzman Ala, Capt. Mark Palomares, First Officer Herky Vitug, Purser Daisy Castellano, CA Dino Antigua Karganilla at Cielo Villaluna ang nagsilbing medical staff para maipanganak si baby Ali.
Ayon sa Facebook post ni Ala, isa sa kanyang “most stressful and yet fulfilling experiences” ang hindi inaasahang pangyayari na magbibigay ng liwanag at pag-asa sa kabila ng hinaharap na krisis pangkalusugan. At dahil walang doktor na sakay ang eroplano, kinailangan niyang tumawag sa manggagamot para ligtas na maisagawa ang pagpapaanak.
“As there were no doctors on board, I had to call one through radio satphone and very carefully relay all those medical terms to the cabin attendants delivering the baby,” sabi ni Ala sa kanyang heartwarming post.
“To me, that felt a tad terrifying. One misinterpretation of the doctor’s instructions would spellout a person’s doom or destiny. I had to ask and re-ask the doctor on the line if I understood him correctly,” aniya pa.

Photo: Fidel Guzman Ala
Dahil sa karanasang ito, mas pinahalagahan ng piloto ang natatanging pagganap ng mga medical practitioners tulad ng mga doktor sa kanilang tungkulin para sa buhay at kaligtasan ng mga tao.
“I now recognize the efforts of those who went through medical school,” aniya. “Who would have thought that in my lifetime, I would have to relay the step by step procedure and instructions for cutting an umbilical cord? I had to draw a diagram and re-ask the doctor again and again just to be sure.”
Pinasalamatan ni Ala ang kanyang mga kasamahan na buong pusong tumulong at ginawa ang lahat para mabuhay ang sanggol na si Ali na ang pangalan ay katumbas ng “elevated or most high” sa wikang Arabic.
“And after all that we went through, I am assured once again that God is here, every step of the way,” sabi ni Ala. “To the crew of PR659 who were with me throughout this ordeal, I offer my admiration and gratitude to all of you. If this is not proper crew resource management, I don’t know what is.”
Milagro sa gitna ng deubyong hatid ng coronavirus pandemic, hangad ni Ala na pagdating ng panahon ay muli silang magkikita ni Ali.
“I hope to meet you one day. God bless you. You are a miracle amidst this world’s current misery.”
As of this posting ay may 20,000 reactions at 7,400 shares na ang viral post ni Ala.