UMAKYAT na sa 28 ang mga ruta ng Point-to-Point buses na pinayagan sa Metro Manila.
Bukod sa mga lugar sa Metro Manila umaabot ang mga P2P buses sa Imus, Bacoor, Dasmariñas at Noveleta (Cavite); Sta. Rosa at Calamba (Laguna); Cainta at Antipolo (Rizal); Malolos, Balagtas, Pandi, Sta. Maria, at Plaridel (Bulacan) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Sangley Airport sa Cavite.
Ang mga rutang ito ay:
1. Las Piñas – Makati
2. Sucat/PITX – Makati
3. Eastwood – Makati
4. Fairview – Makati
5. Alabang – Makati
6. Alabang – Ortigas
7. Alabang- BGC
8. Antipolo-Ortigas CBD
9. Antipolo – Makati CBD
10. Cainta – Makati
11. Imus – Makati
12. Noveleta – Makati
13. Sangley Airport/ Cavite City – NAIA
14. Makati – Bacoor
15. Makati – Dasmarinas
16. Alabang – Bacoor
17. Alabang – Dasmarinas
18. Taguig – Makati
19. Taguig – Ortigas
20. Malolos – North EDSA
21. Sta Maria/ Bocaue – North EDSA
22. Balagtas, Bulacan – North EDSA
23. Pandi, Bulacan – North EDSA
24. Plaridel, Bulacan – North EDSA
25. Sta. Rosa, Laguna – Makati City
26. Calamba, Laguna – Makati
27. Calamba – BGC/ Fort Bonifacio
28. Calamba – Lawton
Binigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga bus na bibiyahe sa mga rutang ito.
“As part of the preventive measures, the use of face masks and gloves for P2P bus drivers will be mandatory. Also required are the thorough and regular disinfecting of the buses and bus terminals.”
Kalahati lamang ng passenger capacity ng bus ang pinapayagan.
Ang bawat bus ay mayroong GNSS para malaman kung nasaan na ito, automatic fare collection system (AFCS) para sa cashless payments, at RFID tags para sa pagdaan sa toll gate.