BABAWASAN ang laki ng lane para sa mga pribadong sasakyan sa EDSA upang makagawa ng bicycle lane.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago ang kasalukuyang 3.5 metrong lapad ng lane para sa private vehicles ay gagawing 2.8 metro.
Ang plano rin umano ng MMDA na itaas ang bicycle lane upang mas maging ligtas ito sa halip na lagyan lamang nga barrier.
Hinihintay pa umano ng MMDA ang budget mula sa Department of Transportation upang masimulan na ang proyekto.
Bukod da bicycle lane, plano ng MMDA na ilipat ang motorcycle lane malapit sa bangketa.