MAHIGIT P1 bawat litro ang itataas ng presyo ng produktong petrolyo bukas.
Sa magkakahiwalay na advisory, sinabi ng mga kompanya ng langis na magtataas ito ng P1.75 kada litro sa presyo ng gasoline, P1.10 sa bawat litro ng diesel at P1 sa bawat litro ng kerosene.
Nagpahayag ng pagtataas ang Petron, Chevron, Flying V, Shell, SeaOil, Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines Inc., PTT Philippines Corp., at TOTAL Philippines.
Hindi pa umano kasali sa pagtataas na ito ang 10 porsyentong dagdag na buwis sa mga imported na produktong petrolyo alinsunod sa Executive Order 113 na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Mayo 2.