Bahagi ng NLEX Harbor Link madaraanan na sa susunod na linggo

NAGSAGAWA kanina ng final inspection sa C3-R10 Section ng NLEX Harbor Link Segment 10 si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar bilang paghahanda sa pagbubukas nito sa Hunyo 15.

Ayon kay Villar ang 2.6 kilometrong bahagi ng proyekto ay magbibigay ng alternatibong ruta sa R10 sa Navotas City at North Luzon Expressway.

Ang C3-R10 section ay mayroong tatlong exit off-ramps: Segment 10-C3 Ramp patungong Caloocan City, Dagat-Dagatan Ramp patungong Malabon City, at C3-R10 Ramp pa-Navotas City.

“As promised, by June 15, NLEX Harbor Link will be completed. Travel time from Manila to Quezon City will be reduced to only 15 to 20 minutes,” ani Villar.

Makikinabang umano sa bagong kalsada ang mga truckers o cargo haulers na galing o papunta sa Maynila patungong NLEX.

Durugtong ang C3-R10 section sa 5.65-kilometrong NLEX Harbor Link Segment 10 na dumaraan sa Karuhatan, Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon City, at 5th Avenue/C3 Road, Caloocan City. Sa naturang kalsada ay maiiwasan ang pagdaan sa EDSA at Balintawak Toll Plaza.

Nagbalik trabaho ang may 2,000 construction worker noong nakaraang buwan upang mapabilis ang paggawa sa proyekto.

Ang NLEX Harbor Link Project ay bahagi ng Build, Build, Build infrastructure program at ginagawa ng Manila North Tollways Corporation.

Subscribe to our daily newsletter

Success! You have been subscribed!
Oops! Something went wrong and you could not be subscribed

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more...