outbrain
Balitang Commute

2K driver tutulungan ng Manila PESO at MTPB

By: - 06/11/2020

TUTULUNGAN ng Manila Public Employment Service Office (PESO) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang may 2,000 driver sa lungsod na nais na maging delivery-partner ng Grab Philippines.

Bukod sa mga kailangang dokumento, sinabi ng Manila City government na tutulong din ang PESO at MTPB upang makakuha ng rapid passes at cross boundary permit ang mga driver na papasa sa kuwalipikasyong hinahanap ng Grab.

Kahapon ay pormal na pumasok sa kasunduan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Grab Philippines President Brian Cu para sa pagbibigay ng kabuhayan sa 2,000 Manileno na marunong mag-drive ng motorsiklo, tricycle at bisikleta upang maging tagapaghatid ng iba’t ibang produkto sa kustomer ng Grab.

“This is another day of opportunity delivered by Grab food for the people of Manila. Unti-unti pa lang nating nararamdaman ang epekto ng GCQ. Aside from health, pero also economic,” ani Domagoso.

“Dalawa ang matutulungan nito: ang mga trabahante at saka yung mga negosyo. Dun naman sa mga natanggap na at matatanggap pa, pagbutihan po ninyo ang trabaho.”

Inilungsad ng Grab and GrabBayanihan program upang tulungan ang mga Filipino na makarekober sa epekto ng coronavirus disease 2019.

“We have always placed our faith in the hard work, dedication, and determination of the people of Manila most especially during these trying times. With responsible use of technology as well as our enduring partnership with the City of Manila, we hope to continue helping our kababayans who have been greatly affected by the pandemic get back on their feet through the many livelihood opportunities available on our Grab platform,” ani Cu.

Para makasali, dapat ay residente ng Maynila, 18-50 taong gulang, mayroong smart phone, marunong magmaneho ng motorsiklo, tricycle o bisikleta, may valid driver’s license at kung hindi sa kanya ang motorsiklo ay kailangan ng authorization letter mula sa may-ari.

Target ng Grab na kumuha ng 20,000 displaced workers at tricycle driver sa programa at matulungan ang 5,000 maliliit na negosyo.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...