UMAKYAT na sa 35,514 ang bilang ng mga taxi at Transport Network Vehicle Services (TNVS) units na pinayagang bumiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa naturang bilang, 18, 813 ang TNVS units at 16, 701 ang taxi units.
“Sa pagbalik operasyon, ipinagbibigay alam ng ahensya na walang taas-pasahe para sa mga aprubadong taxi at TNVS units, at cashless na transaksyon lamang ang papayagan bilang paraan ng pagbabayad. Dagdag pa rito, kinakailangang magsuot ng face mask ang mga pasaherong sasakay sa mga nasabing units,” saad ng LTFRB.
Ipinaalala rin ng LTFRB na dapat sundin ng mga driver ang mga health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at paglalagay ng transparent barrier sa pagitan ng driver at pasahero.
Upang malaman kung kasali na ang unit ng TNVS o taxi sa pinapayagang bumiyahe narito ang listahan:
BATCH 1:
BATCH 2:
BATCH 3:
BATCH 4:
BATCH 5:
BATCH 6:
BATCH 7:
BATCH 8
BATCH 9
BATCH 10: