HANDA nang pumasada ang mga jeepney na gagamitin sa delivery service ng Lalamove.
Nakipagkasundo ang Lalamove sa Quezon City government upang mabigayn ng kabuhayan ang mga driver ng jeepney na hindi nakakapasada.
“Since our jeepney drivers are directly affected by the continuing community quarantine, this LalaJeep program is a welcome initiative which will provide alternative livelihood for them. We are grateful to Lalamove for piloting this program in Quezon City,” ani Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Makakatulong din umano ang programa sa mga maliliit na negosyante na magkakaroon ng opsyon sa delivery ng kanilang produkto.
“As many businesses are transitioning to online which demands delivery services, this LalaJeep will be a great support not just for jeepney drivers but also for small businesses,” ani Mona Yap, head ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Sinabi naman ni Dannah Majarocon, Managing Director ng Lalamove Philippines, makatutulong ang LalaJeep sa iba’t ibang pangangailangan ng mga negosyante.
Inatasan ang Task Force on Transportation and Traffic Management (TFTTM) na tumulong sa pagrehistro ng mga jeepney driver na nais lumahok samantalang ang SBCDPO ang magtuturo sa mga mapipili na gumamit ng delivery app.
May 200 driver ang sumali sa programa.