SISIMULAN na bukas ang paggawa sa bike lane sa EDSA.
Ito ang napagkasunduan sa pagpupulong nina Department of Transportation Sec. Arthur Tugade at Metropolitan Manila Development Authority chairman Danilo Lim kahapon.
Pinag-usapan sa pulong kung papaano gagawing ligtas ang gagawing lane para sa mga siklista. Hindi na itutuloy ang naunang panukala na ilagay ang bike lane sa sidewalk.
“Our goal is to move people while making sure of their safety,” ani Tugade sa isang pahayag.
Ayon kay Lim ang bike lane ay may lapad na 1.5 metro.