ANIM na ruta ng bus ang bubuksan ngayong linggo ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Bukas (Hunyo 16) ay papasada na ang mga bus sa:
– Route 14 (Ayala-Alabang)
– Route 15 (Ayala-Biñan)
– Route 27 (PITX-Trece Martires)
Sa Huwebes (Hunyo 18) ay magsisimula naman ang biyahe ng bus sa:
– Route 23 (PITX-Sucat)
– Route 26 (PITX-Naic)
– Route 30 (PITX-Cavite City)
“Ang unti-unting pagbubukas ng mga ruta ay base sa gradual, calibrated, at in phases approach na pinapairalng pamahalaan sa pagbabalik-serbisyo ng pampublikong transportasyon,” saad ng pahayag ng DoTr-LTFRB.
“Araw-araw ang isinasagawang adjustment ng ating pamahalaan upang matulungan ang ating mga commuter, ngunit sa pamamaraang hindi malalagay sa alanganin ang kanilang kalusugan at kaligtasan.”
Mula nang ipatupad ang General Community Quarantine sa Metro Manila binuksan na ang mga ruta ng bus na:
– Route 1 (Monumento-Balagtas)
– Route 2 (Monumento – PITX)
– Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex)
– Route 4 (North EDSA-Fairview)
– Route 5 (Quezon Avenue-Angat)
– Route 6 (Quezon Ave.-EDSA Taft Ave.)
– Route 7 (Quezon Avenue-Montalban)
– Route 8 (Cubao-Montalban)
– Route 9 (Cubao-Antipolo)
– Route 11 (Gilmore-Taytay)
– Route 13 (Buendia-BGC)
– Route 16 (Ayala Ave.-FTI)
– Route 17 (Monumento-EDSA Taft)
– Route 18 (PITX-NAIA Loop)
– Route 21 (Monumento-San Jose Del Monte)
– Route 24 (PITX-Alabang)
– Route 25 (BGC-Alabang)
– Route 28 (PITX-Dasmariñas)
– Route 29 (PITX – General Mariano Alvarez)