
Free rides
EXTENDED ang pagbibigay ng Phoenix Petroleum ng libreng diesel sa mga bus na nagbibigay ng sakay sa mga frontline health workers.
Ayon sa Department of Transportation sa halip na itigil kahapon ay hanggang Hunyo 30 na magbibigay ng libreng diesel ang Phoenix.
Magbibigay ang Phoenix ng 30 litro kada araw sa 60 private bus na kasali sa DOTr Free Ride Service for Health Workers.
Ginawa ng Phoenix ang hakbang matapos na i-extend ni Pangulong Duterte ang General Community Quarantine sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 30.