
tricycle
NATAPOS na umano ang trial period ng motorcycle taxi kaya hindi pinag-uusapan ang pagbabalik ng operasyon nito.
Sinabi ito ng Department of Transportation matapos na maglabas ng suhestyon ang Angkas kung papaano maihihiwalay ang driver ng motorsiklo sa pasahero.
“The pilot study (trial period) of motorcycle taxis had already expired last April,” saad ng DoTr.
Nagsumite na umano ang DoTr ng rekomendasyon sa Kamara de Representantes kaugnay ng pagbiyahe ng mga motorsiklo.
“We already submitted our recommendations to the HOR and are awaiting their action if they will be allowed to continue operations. So, technically, there is nothing to resume in the meantime, unless a new law is passed legalizing their operations as a public transport mode,” saad ng DoTr.
Kanina ay isinapubliko ng Angkas ang isang mala-backpack na isusuot ng mga driver ng Angkas upang magsilbing harang sa mga pasahero.