
PNR
ISINAKAY sa tren ng Philippine National Railway ang 117 Locally Stranded Individuals (LSIs) para makauwi sa Bicol mula sa Maynila.
Ang mga ito ay kabilang sa 150 LSIs na nasa listahan ng Presidential Management Staff matapos na magpahayag ng intensyon na umuwi sa Bicol sa ilalim ng Hatid-Tulong Program.
Kahapon ay sumailalim sa COVID-19 rapid anti-body test ang mga ito.
Samantala, 1,180,950 na ang nabigyan ng libreng sakay ng programa ng Department of Transportation.
Sa bilang na ito, 339,620 ang nasa Metro Manila at karatig probinsya.
Ang libreng sakay ay ibinigay ng DoTr sa mga health care workers na pauwi at papunta sa mga ospital at quarantine facilities.