AKSIDENTENG napindot ng isang pasahero ang warning signal ng isang tren ng Light Rail Transit line 1 kaya bumagal ang operasyon nito.
Napindot umano ng hindi pinangalanang pasahero ang warning signal malapit sa pintuan ng Tayuman station.
Nagresulta ito sa pagbabawas ng bilis ng mga tren sa 15 kilometro bawat oras mula sa 40 kilometro bawat oras. Iniakyat ito sa 25 kilometro bawat oras makalipas ang ilang minuto.
“Due to safety reason we have reduced our speed to 25kph,” saad ng LRT1.
Nagresulta ito sa mahabang pila sa mga istasyon.
Nang matanggal ang nagkaproblemang tren alas-7 ng umaga ay nagbalik na sa normal ang operasyon. Bumiyahe na ang 28 tren ng LRT 1 alas-8:42 ng umaga.