Balita

Comelec ipinagpaliban ang paghahain ng COCs sa Oktubre 11-17

09/12/2018

IPINAGPALIBAN kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa 2019 national at local elections sa Oktubre 11 hanggang 17.

Inihayag ng Comelec ang desisyon sa harap naman ng panawagan mula sa Senado at Kamara na i-delay ng isang linggo ang nakatakda sanang paghahain ng COC. 

Orihinal na nakatakda sana ang paghahain ng COC mula Oktubre 1 hanggang 5.

“The Comelec en banc has authorized the re-scheduling of the filing of certificates of candidacy for the #2019NLE to October 11-17, 2018, excluding Saturday and Sunday,” sabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang pahayag.

“On the last day, there will be no extension of filing hours,” dagdag nj Jimenez. 

Iginiit ng mga mambabatas na kailangang ipagpaliban ang paghahain ng COC “to enable members of Congress to fully attend to their legislative duties and meet the deadline for the filing of the certificates of candidacy for the 2019 national and local elections.”

Inamin naman ni Jimenez na magdudulot ang pagpapaliban sa paghahain ng COCs para sa eleksiyon sa Mayo 2019 sa pagkabalam ng pag-iimprenta ng mga balota.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...