Balita

‘Ompong’ nasa bansa na; ulan, paglikas inaasahan

09/12/2018

INAASAHAN ang paglikas ng mga residente sa iba-ibang bahagi ng Luzon ngayong araw (Huwebes), kasabay ng simula ng mga pag-ulang dulot ng bagyong “Ompong.”
“As it approaches, malakas na ‘yung pag-uulan… ‘Yung malakas na pag-uulan, Friday pa lang mararamdaman na or even Thursday, so we expect evacuation should be carried out maybe Thursday,” sabi ni Ricardo Jalad, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility alas-3 ng hapon Miyerkules, taglay ang hanging may lakas na 205 kilometro kada oras at bugsong aabot sa 255 kph habang umuusad pa-kanluran sa bilis na 20 kph.
Maaaring tumama ang sentro nito sa Sta. Ana, Cagayan, ayon sa pagtaya ng mga awtoridad.
Dahil sa direksyong tinatahak ng bagyo, inaasahan ang malakas na ulan at hangin sa Northern Luzon, at ilang bahagi ng Central at Southern Luzon.
Maaaring magtaas ng storm warning signal no. 1 sa Metro Manila ngayong araw (Huwebes) o bukas (Biyernes), ayon sa NDRRMC.
Inalerto ang mga residente sa mga baybayin ng Cagayan at Ilocos Norte sa posibleng pagkakaroon ng storm surge o daluyong.
Dahil sa lakas ng hanging dala ni “Ompong” ay maaaring matumba ang mahihinang bahay, ani Jalad.
Maaari pang lumakas ang bagyo at kung lalampas sa 220 kph ang taglay nitong hangin ay tatawagin na itong “super typhoon,” aniya.
Inaasahan din ang pagbaha sa mabababang lugar at landslide sa matataas na lugar, gaya ng Cordillera, dahil sa malakas na ulan, ani Jalad.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

KPop Boy Band BTS video umabot sa 100-M views in one week

GOOD news BTS Army, the South Korean boy band BTS has set a new record....

Wanted: Babaeng viral sa ‘Kiki’ dance challenge sa Edsa

SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa National Bureau...

10 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...