Balita

180K lumikas kay ‘Ompong’, bilang ng mga nasawi inaalam na ng NDRRMC

By: - 09/15/2018

PINANGANGAMBAHANG umakyat pa ang bilang ng mga nasawi kung saan halos 180,000 ang nagsilikas dahil sa pananalasa ng bagyong “Ompong” sa iba-ibang bahagi ng Luzon. 

Sinabi ni Ricardo Jalad, executive ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRM) na dalawang responder ang nasawi habang nagsasagawa ng rescue operation.

Uniulat ng National Police na nasawi sina Shaina Mae Pascua, 19, at Grace Ganabe, 45, sa landslide sa Baguio City, habang isang 9 hanggang 12-anyos na dalagita ang natagpuang patay sa ilog sa Pasig City.

Una dito, nasawi ang security guard na si Domingo Penaflor nang mabagsakan ng pader sa Caloocan City, Sabado ng umaga, at isang 8-buwang sanggol ang nalunod sa baha sa Pio Duran, Albay, noong Biyernes.

Di bababa sa dalawa ang naiulat na nasugatan sa Baguio at Itogon, Benguet; dalawa ang nasugatan sa ipo-ipo sa Marikina City; at may dalawa pang nawawala sa Itogon, ayon sa pulisya.

Umabot sa 179,730 katao ang naitalang nagsilikas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, MIMAROPA, at Bicol, batay sa pinagtagni-tagning datos mula sa NDRRMC, tanggapan ng Office of Civil Defense sa mga rehiyon, provincial governments, at pulisya.

Sa Cagayan lamang ay 10,626 pamilya o 42,199 katao ang nagsilikas, ayon sa talang nilabas ng pamahalaang panlalawigan.

Nang sumalpok si “Ompong” sa Cagayan Sabado ng madaling-araw, nawalan ng kuryente at cellphone signal ang malaking bahagi ng probinsya, sabi ni Rogie Sending, tagapagsalita ng pamahalaang panlalawigan.

Dahil dito, hirap pa ang mga otoridad na kumalap ng impormasyon tungkol sa sinapit ng mga residente noong kasagsagan ng bagyo, aniya.

Pero ayon kay Sending, bago mawalan ng kuryente’t cellphone signal ay nakatanggap pa sila ng ulat na natuklap ang bubong ng isang evacuation center sa Brgy. Minanga, Aparri, kaya nagsiksikan ang mga tao sa barangay hall.

Lumaki pa ang tubig sa Pinacanawan River at Cagayan River, kaya muling inalerto ang mga residente sa pagbaha, aniya.

“Maraming evacuees kasi buong province ang lapad ng bagyo. Malakas ‘yung bagyong ‘Lawin’ dati pero itong si ‘Ompong,’ napakalapad, eto 12 oras na humahangin pa, eh ‘yung eye of the storm pa-Laoag na,” sabi ni Sending sa Bandera nang makapanayam Sabado ng tanghali. 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...