Balita

Pacquiao-Mayweather rematch suportado sa Kamara

By: - 09/16/2018

SUPORTADO ng mga kongresista ang rematch nina pambansang kamao at Sen. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.

Pero sana daw ay huwag ‘hug and runaway’ ang maging taktika ni Mayweather kung muli silang maghaharap ni Pacquiao, ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone.

“I hope he will really face Manny Pacquiao as a boxer. Many fans were disappointed the last time he faced Manny because he keeps on running inside the ring. Manny should take that challenge and prepare for the biggest fight of his career,” ani Evardone.

Ganito rin ang sinabi ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers. 

“Mayweather should show a class of a real boxer like what Sen. Pacquiao has been showing in his fights.”

Ayon naman kay House Deputy Speaker Raneo Abu sana ay gawing ‘exciting’ ni Mayweather ang laban. “We expect Mayweather to make an exciting fight with our People’s Champion by avoiding hugging and running.”

Pabor din sa muling paghaharap ng dalawa sina Quezon City Rep. Winnie Castelo, Parañaque City Rep. Gus Tambunting, Negros Occidental Rep. Albee Benitez, at Puwersa ng Bayaning Atleta Rep. Jericho Nograles.

“Let the true champion be known. This is a welcome development to the boxing world to settle once and for all the controversial issue,” ani Castelo.

Naniniwala naman ni Tambunting na hindi na tanong kung gusto ni Pacquiao na lumaban, ang tanong ay kung tatanggapin ito ni Mayweather.

Sa kanyang Instagram post sinabi ni Mayweather na handa siyang bumalik sa ring para laban si Pacquiao.

“I’m coming back to fight Manny Pacquiao this year another nine figure pay day on the way @mayweatherpromotions,” saad ng post.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

It’s a miracle: Bata biglang nabuhay sa nasusunog na bahay

ITINUTURING na isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4-taon na batang babae na diumano’y nakulong...

Applying for a driver’s license? Here’s how

  ARE you planning to get a driver’s license so you can drive your brand...

7 Valentine’s date ideas around Metro Manila

VALENTINE’S is just around the corner, and we know many of you are planning on...

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...