Balita

Nasawi kay ‘Ompong’ halos 60 na; mahigit 30 patay sa landslide sa Benguet

By: - 09/16/2018

MAHIGIT 30 katao ang kumpirmadong nasawi sa landslide sa Itogon, Benguet, bago mag-tanghali ng Linggo, dahilan para umabot na sa halos 60 ang nasawi sa bagyong ‘Ompong’.

Natabunan ng lupa ang isang bunkhouse, na minsa’y ginagamit bilang bahay-sambahan at nagsilbing silong ng mga residente noong kasagsagan ng bagyo, sabi ni Senior Supt. Lyndon Mencio, direktor ng Benguet provincial police.

Naganap ang insidente sa dating mining area ng Benguet Corp. sa Level 70, Brgy. Ucab, bago mag-alas 12.

“Bunkhouse po ito kung saan dun nag-evacuate yung ilang tao nung bagyo. Konkreto siya kaya dun sila nag-evacuate. Bunkhouse siya na ginagawa ring worship house,” sabi ni Mencio nang kapanayamin sa telepono ng Bandera.

Sinasabing mahigit 40 katao, na pawang mga “pocket miner” at mga kaanak, ang sumilong sa istruktura.
Napaulat na may 13 katao pang nawawala, pero ayon kay Mencio, di pa matiyak kung ilan pa ang kailangang hanapin.

“Dun lang ‘yun sa isang area. Sa ibang area, may natabunan na bahay, may natabunan din mga nagre-rescue na civilians,” aniya.

Habang isinusulat ang istoryang ito’y patuloy ang search and rescue operation sa pinangyarihan.
Hiwalay pa ang mga naturang casualty sa 20 kataong naiulat na nasawi sa Benguet at iba pang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Anim sa Baguio City, tatlo sa La Trinidad, apat na iba pa sa Itogon, at isa sa Pasil, Kalinga, ang nasawi, karamihan dahil sa pagguho ng lupa, ayon sa tala ng Office of Civil Defense-Cordillera, Linggo ng umaga.

Sa Purok Dantay, Brgy. Alab ng Bontoc, Mountain Province, anim ang nasawi nang maguhuan ng lupa ang bahay ng isang mag-anak, ayon sa OCD.

Sa Kayapa, Nueva Vizcaya, apat na miyembro ng pamilya ang nasawi rin nang matabunan ng lupa ang kanilang bahay, sabi ni Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Valley regional police.

Una nang inulat ng pulisya na may sanggol na nalunod sa baha sa Pio Duran, Albay, at isang security guard na nasawi nang mabagsakan ng pader sa Caloocan City, noong kasagsagan ng bagyo.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

PITX nagbibigay dignidad sa pagko-commute

BINISITA namin recently ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para malaman kung ano ba...

More opportunities await PWDs, senior citizens

DUMARAMI ngayon ang mga kompanya na tumatanggap ng mga empleyado nila na mga senior citizens...

Matteo’s vow: Pangako po aalagaan ko si Sarah kapareho ng pangangalaga n’yo sa kanya

NAG-sorry si Matteo Guidicelli sa mga magulang ni Sarah Geronimo in a post in his...

Maingay na tambutso sa Pasay may multang P4K

KUNG residente ka na may sasakyan sa Pasay at kung ikaw naman ay dadaan lamang...

Netizens naghinaing sa tax sa ‘daing’

ISA lang ang sigaw ng maraming Pilipino ukol sa proposal ng Department of Health (DOH)...

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

Parking ticket pwedeng bayaran ng pagkain

IMAGINE: Nahuli ka dahil sa illegal parking, kaya matitikitan ka at kailangan magbayad on the...

Yoshimeatsu: A great Yakinuku experience

Text: Djan Magbanua Photos: Edjen Oliquino & Jazz Lapitan KOREAN samgyeupsal: Grill the meat, place...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...