Sports

WONDER KID: ANTONELLA RACASA,YOUNGEST WOMAN FIDE MASTER NG BANSA

09/18/2018

@inquirer_libre

Tulad ng karamihang bata, mahilig din siyang maglaro. Tulad ng isang mabuting anak, magalang siya sa kapwa at masipag mag-aral.

Pero hindi siya katulad ng karaniwang bata dahil siya ay isang chess champion at ilang ulit nang ibinandera ang ating bandila sa mga international competition kabilang ang gintong medalya sa standard girls under-12 division ng ASEAN+ Age Group Chess Championships na ginanap nitong Hunyo sa Davao City. Nakapanayam siya ng BANDERA, ang sister tabloid ng Libre at ito ang kuwento ni Antonella Berthe Racasa na sa edad na 11 ay kinilala bilang pinakabatang Woman Fide Master (WFM) ng bansa.

Noong nagsisimula ka pa lang matuto mag-chess, naisip mo ba na balang araw magiging national o FIDE master ka?

From the start po nung matuto akong mag-chess ay Grand Master title na po talaga ang tinatarget namin kaya obligado po na madaanan ko ang Woman Fide Master title, Woman International Master title and finally ay ‘yung Woman Grand Master title.

Sino-sino ang mga coaches mo sa chess? Gaano ka kadalas mag-train?

Si Daddy Robert po ang coach/mentor ko primarily. Pero gina-guide din po ako nina National Master Efren Bagamasbad at National Master Rudy Ibañez. Everyday po ay 2-3 hours ay nagtre-training po ako.

Alam kong lahat ng seryosong chess player gustong makamit ang Grandmaster title. Ikaw, sa tingin mo kailan mo maaabot ang pangarap na iyon?

Pangarap ko po na maging youngest Woman Grand Master in the World kaya in the next 2-3 years po ay pipilitin naming masungkit ‘yung titulo.

Ano sa tingin mo ang toughest challenge o biggest hurdle pa makuha mo ang GM title?
Ang pinaka-toughest challenge po namin ay ‘yung laki ng gastos kapag nagko-compete abroad. Mula po sa registration fees, hotel accommodation, air tickets at miscellaneous expenses po ay talagang very challenging.

Sa lahat ng mga nakalaban mo, kanino ka pinaka-na-challenge at pinaka-nahirapan?

So far po ay pinakamabigat kong kalaban sa age bracket ko ay sina Ruelle Canino ng Cagayan de Oro, Daren Dela Cruz ng Dasmariñas, Cavite at Raizza Mae Locmayoan ng Calam

When did you first compete in chess? Ilang medals at trophy na ang napanalunan mo since then?

July 2016 po ‘yung first ever chess tournament na nasalihan ko. Since then ay nanalo na po ako ng ‘di bababa sa 10 trophies and 50 medals here and abroad.

Anong mga tournaments ang naka-lineup na sasalihan mo?

This November 3-16 po ay sasali kami sa World Cadets Chess Championships in Santiago de Compostela, Spain and last international tournament namin for 2018 ay sa Johor Malaysia International Open Chess Championships.

Paano mo naa-apply ang mga natutunan mo sa chess sa buhay ng isang estudyante?

Nagagamit ko po sa buhay ang mga skills na natutuhan ko sa chess kagaya ng discipline, problem solving, patience, ability to focus and forward thinking.

Aside from chess, anong sport ang hilig mo? Kung wala kang training, ano usually ang ginagawa mo ‘for fun’?

When I’m not playing chess ay naglalaro po ako ng Monopoly. Mahilig din po akong mag-paint, bake ng cakes and pastries. Ang favorite pastime ko po ay swimming.

Lastly, may mga tao o grupo ka bang gustong pasalamatan na tumulong sa iyo para maabot mo ang pangarap mo sa chess?

Gusto ko pong pasalamatan ng taos puso sina Mandaluyong City Honorable Mayor Menchie Abalos, Councilor Charisse Abalos-Vargas, Sir Hermie Esguerra of Herma group of companies, Sir Reli De Leon and Rotary Club of Pasig through Sir Rogelio Lim and Dr. Jess Acantillado.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...