Showbiz

Marian buntis uli

By: - 09/25/2018

INIHAYAG ng misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera na nagdadalangtao siya muli.

“My heart overflows with gratitude and humility. Dong and I, with our Zia, have been gifted with the miracle of life looking forward to meeting our little one soon!”sabi ng Primetime Queen ng GMA sa kanyang Instagram account na marianrivera”, na may litrato pa ng ultrasound na may title na ‘We’re expecting!’

Samantala, sa isang opisyal na pahayag ni Dingong na inilabas ni Marian, sinabi niya na imbes na tumakbo sa eleksiyon, mas pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang pamilya.

Narito ang kabuuang pahayag:

Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot.

Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan. Pero naniniwala ako na ang pagiging “public servant” ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.

Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance.

And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung- lalo na ni Zia.

At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.

My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.

Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.

Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.

Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala. Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.

And to all my fellow Filipinos, I am with you in believing that in times of uncertainty, God’s unfailing love will always reign supreme. Thank you and I humbly request for your continued prayers of protection and good health for my family, especially on Marian’s second pregnancy.

#YesAnotherDantes
#BigSisZia
#4DnaKami
#YesSheIsBuntis
#Number2

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

8 stress relievers according to Kris Aquino

KRIS Aquino, the queen of social media, has a few things to say about beating...

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...