Sports

Huling 2 silya sa FINAL 4 pinag-aagawan ng 3 koponan

By: - 10/08/2018

SA 10 koponan sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament, dalawa na ang nakasisiguro ng pwesto sa Final 4.
Lima na rin ang nalaglag at wala nang tsansang makausad pa sa semis.
At ang huling dalawang nalalabing silya sa susunod na round ay kasalukuyang pinag-aagawan ng tatlong koponan: Letran Knights, Perpetual Help Altas at College of St. Benilde Blazers.
Sa tatlong koponan na ito ay nakalala-mang ang Letran at Altas pero may pag-asa pang humabol ang Blazers na kasalukuyang nasa ikalimang puwesto.
Nasa top 2 spots naman ang nagdedepensang kampeong San Beda Red Lions at ang paboritong Lyceum Pirates.
Pawang may tigatlong laro pang natitira sa elims ang Knights, Altas at Blazers. At lahat ng mga sagupaang ito ay mahalaga sa tatlong koponang ito na naghahabol ng semifinals slot.
Ang mga natitirang laro ng Letran ay kontra San Sebastian sa Oktubre 9, Perpetual Help sa Oktubre 12 at St. Benilde sa Oktubre 23.
Ang huling tatlong kalaban naman ng Perpetual Help ay Emilio Aguinaldo College sa Oktubre 9, Letran sa Oktubre 12 at San Beda sa Oktubre 23.
At ang remaining games ng St. Benilde ay laban sa Lyceum sa Oktubre 11, Jose Rizal University sa Oktubre 16 at Letran sa Oktubre 23.
Sa Final 4, ang top 2 teams ay magkakaroon ng twice-to-beat advantage laban sa No. 3 at No. 4 teams.
Ang dalawang koponan na magwawagi sa semis ay magsasagupa naman sa best-of-3 Finals para sa kampeonato.
Noong isang taon, tinalo ng San Beda ang Lyceum sa Finals para sa ika-21 titulo ng Red Lions sa NCAA.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

It’s a miracle: Bata biglang nabuhay sa nasusunog na bahay

ITINUTURING na isang malaking himala ang pagkakaligtas ng 4-taon na batang babae na diumano’y nakulong...

Applying for a driver’s license? Here’s how

  ARE you planning to get a driver’s license so you can drive your brand...

7 Valentine’s date ideas around Metro Manila

VALENTINE’S is just around the corner, and we know many of you are planning on...

Depression, suicide: Hindi dapat balewalain

SUICIDE ang nakikitang solusyon ng ilang tao para matakasan ang kinakaharap na problema. Isa sa...

Ikaw na maging pusa na may apartment na $1,500 renta kada buwan

SAN JOSE, California (AP) — Dalawang pusa ang nakatira sa isang studio apartment na nirerentahan...

Where to go when in Kapitolyo

KAPITOLYO in Pasig City has always been interesting, especially kung mahilig ka mag food trip....

9 pagkain na babalik-balikan tuwing Simbang Gabi

AMININ, bukod sa pakikinig sa sermon ng pari na siya namang dapat na pangunahing layunin...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...