Showbiz

Pinagtagpo pero hindi itinadhana

By: - 10/08/2018

PINOYS invest too much on celebrity love teams na nagugulo ang kanilang mundo kapag hindi natutuloy sa simbahan ang “relationship” ng kanilang mga idol.
Pero maraming “couples” na pinagtambal ng network or ng fans na sadyang walang happy ending.
Narito ang ilang love teams na sa una lang may spark.

MarNella
Unang nakilala sina Janella Salvador at Marlo Mortel nang magtambal sa morning soap na “Be Careful With My Heart,” na nasundan pa ng horror movie na “A Haunted Mansion.”
Unfortunately, hindi nakiliti ang fans sa dalawa kaya itinambal si Janella kay Elmo Magalona.
Marlo apparently couldn’t care less dahil n focus ito sa mga hosting and singing stints niya.

JaBea
Isa ang on and off-screen relationship nina Jake Vargas at Bea Binene sa mga nauwi rin sa breakup. Now, they’ve found “partners” in Benjamin Alves and Julie Anne San Jose. Good luck.

KissMarc
Sa PBB House umusbong ang “relationship” nina Kisses Delavin at Marco Gall. Dahil marami ang kinilig, the studio decided to pair them up pagkalabas na pagkalabas nila ng Bahay ni Kuya.
Nauwi naman sa wala ang kanilang teamup after Kisses complained na dinedma ni Marco ang parents niya.
Sa ngayon ay inaabangan ang pagtatambal nina Kisses at Donny Pangilinan habang nowhere to be found si Marco.

JoshBie
Sino pa ba ang nakakaalala tambalang Joshua Dionisio at Barbie Forteza? Di ba? Kaya naman kung kani-kanino na lang ipini-pair up si Barbie. Nandiyan sina Derrick Monasterio, Ken Chan and Ruru Madrid. Hopefully one will stick na.

QuenLia
Bago pa sumikat ang JoshLia at LizQuen, una munang nakita sina Julia Barretto and Enrique Gil sa teleserye na “Mirabella.
Siguro nga ay hindi talaga meant to be ang dalawa dahil ngayon ay happy na sila kina Joshua Garvia at Liza Soberano.

KimErald
Do you still cry over what happened to these two? We do! From being the cute couple sa PBB House hanggang rumors ng attempted suicide. We still can’t get over sa drama ng kanilang relasyon. Ang sabi ay masaya na ngayon si Kim Chiu kay Xian Lim habang si Gerald ay kung sino-sino na rin ang naka-date. Sila pa rin ba ni Bea Alonzo?

GabRu
Who thought of smooshing the names of these two? He or she should get a medal for coming up with the ugliest portmanteau in history. Charot.
Anyway, after years of teaming up, the couple went their separate ways. For good daw. Ruru is now paired with Kylie Padilla habang inili-link naman si Gabbi sa singer-actor na si Khalil Ramos.

Liza Soberano
at Daniel Padilla
Gulat ka no? Yes, nagtambal sina Liza Soberano at Daniel Padilla when she was just starting in showbiz.
Sinubukan ng management ang dalawa sa “Got to Believe” at “It Must be Love,” pero wala raw spark. It’s all good dahil they now belong to the two biggest love teams in showbiz–KathNiel and LizQuen.

John Lloyd Cruz
at Bea Alonzo
Not too long ago, their teamup was the one to beat. “One More Chance” at “A Second Chance” were box office hits kahit pa alam natin na sweet lang sila on-screen. Gagawa pa kaya sila ng pelikula nang magkasama uli? Ang talagang tanong; Babalik pa ba sa showbiz si Lloydie?

 

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

VIRAL: Test paper ng Grade 2 ‘disturbing’, may tanong tungkol sa EJK, abusadong pulis

Bothered ang isang netizen nang i-post niya ang nakita niyang mga tanong sa exam ng...

Bilyon-bilyong pisong road users tax, anong silbi sa ‘yo?

KAMAKAILAN ay binuwag ng Malakanang ang tinaguriang Road Board dahil nagiging “milking cow” umano ito...

ARMY speaks: 12 reasons (or more) why BTS is today’s best boy band

BTS has proven a lot of things.  One of these was when they cracked the...

Why do you need to examine your balls?

SIGURO pamilyar ka naman sa programa kaugnay ng pagtuturo sa mga babae ng pagsalat sa...

Round Trip: Espana Boulevard

TWO things would easily pop into your mind kapag pinag-usapan ang España Boulevard sa Maynila:...

8 Reasons Why Greenhills is a Shopping Haven

        A premier buying destination, Greenhills, through the years has been an...

Siguradong atin ito! 6 classic Pinoy food na may look-a-like

Nakakatuwang pag-aralan ang kasaysayan ng mga pagkaing Pinoy. Kilala tayo sa pagkakaroon ng iba’t ibang...

Top 8 most ‘kadiri’ food

DIG in. But will you be willing to dig in kung ang nasa hapag mong...

Saan aabot ang P500 mo? LRT2 : Pureza Station

Sino nga ba naman ang hindi nakakaalam ng Pureza Station ng LRT Line 2? E,...

Hanggang saan aabot ang P500 mo? MRT3: Balintawak Station

Hindi sa lahat ng oras ay nais nating kumain sa labas. Pero ‘pag nagluto ka,...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...