INIHAYAG ni Pangulong Duterte na negatibo siya sa cancer matapos na muling sumailalim sa endoscopy at colonoscopy sa Cardinal Santos Medical Center noong isang linggo.
“It’s negative for — they had a suspicion but they had… I said this specimen taken out from the esophageal tube and somewhere here,” sabi ni Duterte.
Niliwanag naman ni Duterte na wala namang naging hinala na posibleng may cancer siya.
“Wala naman sila suspicion. They just want a retake. Hindi naman sinabi sa akin na — nothing serious actually. They said, if you have time and there was no other time except I had to do it in a jiffy. ‘O how long would it take?’ Sabi, ‘About one hour.’ So, I stayed there for one hour,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi ni Duterte na ang bharett pa rin na matagal na niyang iniinda ang nananatili niyang sakit.
“Lumabas na…if you mean was I found positive of cancer? No, its not the colon, its my bharett dito yan its badly eroded because I was told to stop drinking years ago. But of late bumalik kasi ako I don’t know for one reason or another I just like to drink brandy po ngayon totoo and before I sleep, even if I’m alone nag-three shots ako,” ayon pa kay Duterte.
Kasabay nito, itinanggi ni Duterte na sumailalim siya sa medical checkup sa kanyang biyahe sa Hong Kong noong weekend at sinabing ito’y panay pasyal lamang.