Balita

Netizens alam na kalat ang fake news sa social media- Pulse Asia

By: - 10/10/2018

BATID ng mga netizens na laganap ang fake news sa social media, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Ayon sa Pulse Asia, tinanong ang mga respondent kung pabor sila o hindi sa pahayag na nagkalat ang pekeng balita sa social media. Pabor sa pahayag na ito ang 79 porsyento at siyam na porsyento lamang ang hindi. Ang undecided naman ay 12 porsyento.

Ito ay tumaas kumpara sa 59 porsyento na pabor sa survey noong Hunyo 2017. Ang hindi naman pabor ay 21 porsyento  at ang undecided ay 20 porsyento.

Sinabi naman ng 88 porsyento na nakakita o nakabasa na sila ng fake news, at 12 porsyento naman ang hindi pa.

May 51 porsyento naman na nagsabi na naimpluwensyahan ang kanilang opinyon ng kanilang nabasa sa social media. Ang hindi naman naapektuhan ay 49 porsyento.

Pinakamarami pa rin ang mga Filipino na mayroong Facebook account (100 porsyento ng mga respondent), 17 porsyento ang may Instagram, 11 porsyento ang may Twitter, tatlong porsyento ang may LinkedIn at dalawang porsyento ang may Pinterest.

Sa tanong kung gaano kadalas tignan ang kanilang social media account, 44 porsyento ang nagsabi na mahigit isang beses kada araw, 20 porsyento ang isang beses kada araw, 20 porsyento ang dalawa hanggang anim na beses kada linggo, walong porsyento ang isang beses kada linggo at walong porsyento ang mas madalang sa isang beses kada linggo.

Sinabi ng 47 porsyento na sila ay mayroong access sa internet at 53 porsyento ang wala.

Sa mga gumagamit ng internet, ang madalas nilang gamitin ay mobile phone (94 porsyento), 13 porsyento sa internet café, 11 porsyento ang may computer o laptop sa bahay, 8 porsyento ang tablet, 2 porsyento ang computer o laptop sa opisina, at 0.01 porsyento ang Smart TV.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,800 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...